Tagos sa Buto (Filipi2 req)
Hindi ko ni minsan akalain na masarap maramdaman ang sobrang galit. Yun para bang magagawa mo ang lahat ng gusto mong gawin, parang may bahagi mo na unti-unting humuhiwalay sa sarili mo. Alam mong may gusto kang gawin pero nasa tama ka pa ring pag-iisip kaya nagagawa mong pigilan ang sarili mo. Naranasan ko na ring magalit at maabot ang sukdulan--sumasakit anf ulo at leeg sa tindi ng emosyon. Hindi ko lang batud kung ano ang meron sa marami sa atin na nauunahan pa rin tayo ng hiya at konsensiya kaya bago pa tayo kumilos ay humupa na ang damdamin. Yun lang siguro ang naghihiwalay sa atin at sa mga kriminal; ang kakayahang pumigil sa sarili.
Mahalaga ang galit sa opinyon ko. HIndi lang dahil sa gusto ko ang pakiramdam na ito kundi dahil ginagawa tayong tao ng galit. Bahagi ng pagkatao ang galit. Tulad ng tuwa, lungkot at gutom, tao ka pag galit ka. Defense mechanism rin ito, nagagawa mong lumaban, bagay na hindi mo magagawa pag wala ka sa tamang emosyon. Inilalabas nito ang pinakamaganda o pinakapangit sa atin.
Kaya sa susunod na makaramdam ng masidhing galit, huwag takbuhan. Harapin at maging tao.
0 Comments:
Post a Comment
<< Home